MelanCholeric ChoCofeeHolic

Oportunistang Pinoy

August 6, 2010

Opportunistic. Opportunist. taking immediate advantage, often unethically, of any circumstance of possible benefit.

Oportunista. mapagsamantala.

Mapa-Ingles o Tagalog, parehong pangit ang pakahulugan ng salita. Pero kung hihimayin - ang ugat na salitang “opportunity,” dinikitan ng makabuluhang -ist, sinamahan pa ng -ic - mukha namang medyo maganda pakinggan.

So, oportunista silang mga hindi pinalalampas ang pagkakataon para sa pansariling kapakinabangan?

Oportunista ba silang nagpupumilit makipagsiksikan sa Maynila para sa inaakala nilang mas magandang buhay? Eh pano naman ‘yung mga nakikipagsapalaran sa ibang bansa sa kahit anong trabaho para lang may ma-i-buhay sa pamilya sa Pilipinas?

Oportunista ba silang naglalako sa kalsada at bangketa, hindi baleng makipaghagaran kina kuyang MMDA, maka-iwas lang sa mahal na renta sa pwesto? Paano naman ‘yung mga mas pinipiling sa loob ng mall magbenta, kahit maliit at mahal ang pwesto, meron namang siguradong mapipilitang mga tao na bibili?

Oportunista ba silang gusto agad bumaba sa tapat ng bahay nila, eh nasa banda roon pa yung tamang babaan? Paano naman yung mga di bale nang malayo, pero mas gustong doon bumaba para naman makapag-exercise kahit papano?

Oportunista ba silang kung kelang brown out, saka nag-bonding? Eh paano ‘yung nag-file ng leave sa isang long weekend para maka-uwi sa pamilya sa probinsya? [meron pa bang long weekend???]

Bakit sa MS Word 2010, ang opportunistic ay nangangahulugang resourceful?

Posted by jackyjeck at 9:02 am | permalink | Add comment